2 Probinsya sa Region 2, Nananatiling COVID-19 Free

Cauayan City, Isabela- Wala pang naitatalang panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Batanes at Quirino sa rehiyon dos matapos gumaling sa nasabing sakit ang mga naunang naitalang positibo.

Sa huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, nananatiling ‘COVID-19 Free’ ang dalawang probinsya sa rehiyon habang patuloy ang pagkakatala ng mga bagong kaso sa lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya at Santiago City.

Pinakamarami ngayon na may aktibong kaso pa rin ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela na aabot sa 281, sumunod ang Cagayan na may 142, pangatlo ang Santiago City na may 41 at pinakamababa ang probinsya ng Nueva Vizcaya na may sampu ( 10).


Sa kabuuan, mayroon pang 474 na natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon mula sa naitalang total confirmed cases na 5, 477.

Bagamat may mga naitatalang bagong positibong kaso, tumaas naman ang bilang ng mga gumagaling sa rehiyon na aabot sa 4, 913.

Sa kasalukuyan, nasa 81 ang naitalang COVID-19-related death sa buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments