Thursday, March 26, 2026

2 puganteng Korean nationals kabilang ang isang may Interpol Red Notice, naaresto sa Pampanga

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang Korean nationals sa koordinadong operasyon kahapon sa Angeles City, Pampanga.

Isinilbi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasama ang Bureau of Immigration (BI)–Fugitive Search Unit at mga international partners, ang mission orders laban sa mga suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Kampupot Street at sa Clark Freeport Zone.

Ang nasabing dalawang suspek ay may edad na 45 at 33 taong gulang na pawang wanted sa kanilang bansa, kung saan ang isa ay wanted dahil sa illegal online gambling habang ang isa naman ay dahil sa fraud at nakalista sa ilalim ng Interpol Red Notice.

Ang parehong suspek ay overstayed na rin sa Pilipinas.

Tinurn over naman ng PNP ang mga naarestong indibidwal sa BI para sa dokumentasyon at legal proceedings, kasama na rito ang posibleng deportation.

Facebook Comments