2 pulis, arestado ng PNP-IMEG dahil sa pangingikil sa Pasay City kahapon

 

Tiklo ang 2 pulis sa ikinasang entrapment operation ng PNP-IMEG sa Grand Transport Terminal sa Edsa, Malibay, Pasay City kahapon.

 

Ang mga ito ay kinilalang sina  Police Corporal Reynald Pallangeo Macwes at Police Corporal Jimuel Ilagan Bernal na kapwa naka-assign sa PCP 7 ng  Pasay.

 

Ikinasa ang  operasyon ng IMEG matapos mag reklamo ang  isang biktima na ang mga suspek ay nangongolekta ng P100 sa mga public utility bus at vans araw araw sa lahat ng mga terminal sa Malibay.


 

Lumalabas din sa ulat na nagpasaklolo ang biktima sa PCP commander na si Captain Mark Oyad pero sa halip na tulungan ay nairita pa umano ito at nagbanta na tataas nila sa P1,000 ang arawang koleksyon sa mga byahe bus at van.

 

Nagbanta rin ito sa biktima na kapag hindi tumigil ay sya ang sasampahan ng kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

 

Tagumpay na nakuha mula sa mga suspek ang P100 sa entrapment operation matapos ang tangkang pangongotong.

 

Nasa kustodiya na ng IMEG sa Camp Crame ang mga pulis na mahaharap sa kasong extortion.

 

Iimbestigahan naman ang PNP ang pananagutan ng PCP Commander.

Facebook Comments