Kawalan ng dog pound sa brgy 108 sa Pasay City inirereklamo ng mga residente

Pinoproblema ngayon ng mga taga Brgy 108 zone 12  ng Pasay City ang mga nakakalat na dumi ng aso sa kanilang mga kalsada.

 

Napakarami raw kasing aso na pakalat kalat rin sa kanilang brgy.

 

Ayon kay Brgy Kagawad Nerissa Escala ng Brgy 108 ng Pasay City na bagamat may mga tagapaglinis daw ang Brgy ay hindi nila kinakaya ang araw araw na pagdakot ng dumi ng aso.


 

Hindi naman daw maparusahan ang mga may ari ng mga aso dahil sa pakikisama.

 

Inihayag rin ni Brgy Kagawad Escala na ang  malala pang dahilan kaya dumarami ang pakalat kalat na aso sa kanilang Brgy ay dahil walang dog pound.

 

May pondo naman daw para rito ang Pasay City Govt Pero walang mahanap na lugar para paglagyan ng dog pound.

Facebook Comments