2 pulis na bumaril sa isang sundalo, hindi raw naka-uniporme ayon sa PNP-Aurora

Zamboanga del Sur – Inako ni Police Inspector Roger Bartiana, hepe ng Aurora PNP, na nakasibilyan din ang dalawang pulis na bumaril kay Cpl. Rodillo Bartolome alas-3:25 kahapon sa Monte Alegre, Aurora Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Bartiana na hindi nakasuot ng uniporme ang dalawang pulis na rumesponde na sina PO2 Ronald Zeros at PO1 Michael Bullanday.

Aniya, kung mapapatunayan na may pagkakamali ang kanyang tropa handa umano itong humarap sa anumang parusa.


Hustisya ang sigaw ng pamilya ni Bartolome at maging ang buong tropang 53rd Infantry Battalion habang nanatili sa isang punerarya sa bayan ng Aurora.

May ginawang hiwalay na imbestigasyon ang AFP para lumabas ang katotohanan.

Napag-alaman na tatlong buwan nang nadestino sa Marawi City si Cpl. Bartolome at huminto lang sa naturang lugar para magpa-load para matawagan ang kanyang pamilya nang magkita sila ng 1st Infantry Tabak Division pero binaril ng mga pulis matapos mapagkamalan.

Facebook Comments