ISIS, nagbanta ng dagdag na pag-atake sa Spain kasunod ng Barcelona attack

Spain – Nagbanta ng dagdag na pag-atake sa Spain ang teroristang ISIS.

Isang linggo ito matapos ang pag-atake sa Barcelona kung saan 13 ang namatay.

Kahit hindi inako ang responsibilidad, pinuri pa rin ng ISIS ang grupong umatake sa Barcelona.


Nabatid na apat sa mga suspek ang naaresto habang 12 ang pinaniniwalaang patay na kasama ang nanagasang driver ng van.

Facebook Comments