2 pulis, namatay dahil sa COVID-19

Namatay na ang dalawa sa mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac.

Aniya, ang dalawang namatay na pulis ay Patient number 13 na may edad na 46 anyos at nakatalaga sa lalawigan ng Laguna at Patient number 8, 48 anyos na nakatalaga naman sa Metro Manila.


Si Patient 13 ay una nang naitalang person under monitoring (PUMs) na namatay nitong March 27 dahil sa cardiac arrest pero lumabas ang resulta ng kanyang COVID-19 test at ito ay positibo sa COVID-19.

Habang si Patient 8 naman ay namatay kahapon, March 19 habang nasa kanyang duty ay nakaranas ng mataas na lagnat ang pulis kaya isinugod ito sa ospital na nagpositibo nga sa COVID-19.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief Archie Francisco Gamboa sa pamilya ng mga nasawing pulis at tiniyak na magbibigay ng financial support at social benefits.

Sa kasalukuyan 13 pulis na ang positibo sa COVID-19, 209 naman ay person under investigation (PUIs) at 1,600 ay PUMs.

Sa ngayon may siyam na pulis na PUIs ang naka-self quarantine sa Kiangan Billeting Center sa Camp Crame.

Facebook Comments