2 pulis, pinarangalan matapos magpakita ng kabayanihan sa paglubog ng bangka sa Iloilo-Guimaras strait

Binigyan ng medalya ng kadakilaan ang dalawang pulis dahil sa ipinakitang kabayanihan nang tumulong sa pagsagip sa mga nalulunod sa nangyaring paglubog ng bangka sa Iloilo-Guimaras strait noong August 3, 2019.

Mismong si PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde ang nagsabit ng medalya sa dalawang pulis na kinilalang sina Police Chief Master Sergeant Jonathan Magan ng San Lorenzo Municipal Police Station ng Guimaras Police Provincial Office.

At Police Staff Sergeant Rodito Erpelua, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit ng PRO6.


Matatandaang sa nangyaring trahedya sa dagat, mahigit 30 ang namatay.

Facebook Comments