Mga Chinese, dinumog na parang artista ng ilang teenager para nakawan

442

Sa unang tingin, aakalain mong may meet and greet na nagaganap sa labas ng isang condominium sa Malate, Maynila matapos yakapin at halikan pa ng ilang kabataan ang mga Chinese national na lumabas sa naturang gusali. Pero ang mga animo’y die hard fans – mga mandurukot pala.

Ayon sa isang opisyal ng Barangay 719 sa nasabing lungsod, sinalubong ng mga kawatan ang mga banyaga at bigla nilang pinagkaguluhan na parang isang artista.


Lingid sa kaalaman ng mga biktima, modus pala ito ng mga batang hamog para matangay ang kanilang wallet at cellphone.

Batay sa blotter report ng barangay, dalawang pitaka at isang mobile phone ang nakuha sa mga dayuhan.

Kaagad naman nakatakas ang mga salarin at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Facebook Comments