2 pulis sa Ilocos Sur, kinasuhan ng pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita at panggagahasa sa isang 18-anyos na dalaga

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay at panggagahasa ang dalawang pulis sa Ilocos Sur matapos patayin at tangkang halayin ang isang 15 taong gulang na dalagita at gahasain ang isang 18 taong gulang na dalaga.

Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Staff Sergeant Randy Ramos na nahaharap sa kasong panggagahasa at pagpatay, at si PSSg. Marawi Torda na kinasuhan din ng pagpatay at tangkang panghahalay.

Ang dalawang pulis ay kapwa naka-assign sa San Juan Municipal Police Station sa Ilocos Sur.


Galit na galit si Philippine National Police (PNP) Chief Archie Francisco Gamboa at tinawag na mga animal, walang puso at walang kwentang mga pulis ang dalawa.

Sa ngayon, nasa restrictive custody sila ng Ilocos Sur Police Provincial Office sa bayan ng Bantay habang hinihintay ang desisyon ng korte.

Inutos naman ni Gamboa sa Police Regional Office 1 na magbigay ng security sa pamilya ng 18 taong gulang na dalaga na ginahasa ng pulis na si Ramos.

Ang dalawang biktima ay magpinsan na batay sa ulat ng Cabugao Municipal Police Station ay inaresto ng mga pulis na lasing na lasing dahil sa paglabag sa curfew.

Ang 15-year-old na dalagita ay nakatakas at nakapag-reklamo pa bago pinatay ng dalawang pulis.

Facebook Comments