2 rehiyon sa bansa, may wage hike ngayong Abril

Epektibo na simula sa April 16 ang ikalawang bugso ng umento sa sahod sa mga minimum wage earner sa Central Luzon.

Ito ay batay sa Wage Order No. RBIII-25 kung saan tumaas ng P50 hanggang P57 ang arawang sahod sa nasa agriculture sector.

Ibig sabihin, nasa P500 hanggang P550 na ang minimum wage sa non-agriculture sector sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales sakaling makumpleto ang dalawang tranche ng dagdag sahod.


P485 hanggang P520 naman ang bagong minimum wage rates sa agriculture sector sa rehiyon habang P435-P540 sa mga retail at service establishments.

Ipinatupad ang unang bugso ng wage hike noong Oktubre 17 ng nakaraang taon.

Samantala, nitong April 5 naman nang maging epektibo ang P415 daily minimum wage rate at P6,000 na buwanang sahod sa mga kasambahay sa Bicol Region.

Facebook Comments