2 residente ng Makati City, arestado dahil sa iligal na droga

Timbog ang dalawang residente ng lungsod ng Makati na tulak umano ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa mga ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Ariane Villa Hermosa Tejada, alyas Paslang, 33-anyos at Jaunito Villa Hermosa y SoreƱo, alyas Pidong, 44-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 3.3 grams ng umano’y shabu na may katumabs na halaga ng ā‚±22,440 at ā‚±500 na ginamit bilang buy-bust money.


Ginawa ang nasabing operasyon sa Cyres St., Brgy. Rizal, Lungsod ng Makati, pasado alas-3:30 ng hapon kahapon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments