Ipinasa ang 2 resolution ng Sangguniang Panlungsod sa paghingi ng tulong sa pagresolba sa iilang araw nang welga ng Surigao Dockworkers Union laban sa management ng Prudential Customs Brokerage Services Incorporated(PCBSI). Pinangunagan ni Surigao City Councilor Jose Edradan Jr. ang pagpasa nito sa isinagawang special session, unang resolution ang paghiling sa Gen. Manager ng Phil. Ports Authority na gumawa ng aksiyon at pangalawa, paghingi ng tulong sa Secretary of Labor and Employment para pabilisin ang paghahanap ng solusyon sa mga isyu lalo na ang nagpapatuloy nang 7 araw na Strike sa labas ng PPA Port na nakaapekto na sa maraming mamamayan ng Surigao City. Unang dumulog sa SP ang mga opisyal ng Surigao Chamber of Commerce and Industry sa pamamagitan ng Presidente na si Concepcion Pacqueo dahil diumano’y marami ng negosyante ang naaabala lalo ang mga kargamento na hanggang ngayon hindi pa nakukuha.
2 resolution ng Sangguniang Panlungsod sa paghingi ng tulong sa pagresolba sa iilang araw nang welga ng Surigao Dockworkers Union laban sa management ng Prudential Customs Brokerage Services Incorporated
Facebook Comments