2 Retirado sa Serbisyo Publiko, Nahulihan ng mga Kalibre ng Baril

148

*Cauayan City, Isabela-*Dinakip ng mga awtoridad ang dalawang retirado sa serbisyo bilang Sundalo at Pulis matapos ang iligal na pag iingat ng mga ito ng mga baril matapos isilbi ang search warrant laban sa kanila.


Kinilala ang mga suspek na sina Valeriano Dabbay, 63 anyos, may asawa, retiradong pulis at residente ng Brgy Malabbac, Iguig, Cagayan habang ang isa pa na si Virgilio Gacusana,49 anyos, at Barangay Callungan, Sanchez Mira.

Narekober ng pulisya kay Dabbay ang ten (10) piraso ng live ammunitions ng cal. 9mm at fortyseven (47) piraso live ammunitions ng M14 rifle habang nakumpiska naman sa pag iingat ni Gacusana ang cal. 45 na may 29 piraso ng Live Ammunitions ng cal 5.56 at isa (1) piraso ng empty magazine para sa kaparehong kalibre ng baril matapos ang paggalugad sa bahay ng mga ito.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “The Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang dalawang retirado.

Facebook Comments