Top 10 Wanted Person sa Aparri, Cagayan, Natimbog

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang Top 10 Most Wanted Person Municipal Level matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Tallungan, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang akusado na si Jameson Sambolledo, 30 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Centro 14, Sta. Ana, Cagayan.

Batay sa impormasyon ng PNP Aparri, ipinalabas ni kagalang galang hukom Clifford Sobrevilla ng MTC Br. 1 Aparri para sa kasong paglabag sa 2 counts ng Attempted Homicide.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapagpiyansa ng nagkakahalaga ng P36,000.00.

Nananatli sa pangangalaga ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Photo Courtesy: East Valley Times

Facebook Comments