2 retiradong pulis arestado sa Pangasinan

Nakatanggap ng tawag ang otoridad mula sa isang concerned citizen ukol sa dalawang lalaking armado na nangugulo sa loob ng isang sabungan sa Brgy. Calzada Mabini Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na si Condrado Espiritu , 64 anyos at Diocares Espiritu, 42 anyos pawang retired PNP at residente ng Brgy. Caoyan Sual Pangasinan.
Wala umanong maipakitang papeles ang dalawa sa kanilang mga baril na hawak kung kayat inaresto ang mga ito.
Isang 9mm pistol, dalawang magasin , 19 na bala nito ang nakuha kay Condrado at 1 calibre 45 na may tatlong magasin at 32 bala may Diocares.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad laban sa dalawa.
###

Facebook Comments