Manila, Philippines – Dalawang riding in tandem criminals na ang napatay habang labing lima ang naaresto simula ng paigtingin ng Philippine national Police ang kanilang kampanya kontra riding in tandem criminals.
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Dionardo Carlos ang bilang ng mga na-neutralize na mga riding jn tandem criminals ay naitala mula October 13 2017 hanggang kahapon.
Ang mga riding in tandem criminals ang kalimitang sangkot sa mga napaulat na pagpatay at pagnanakaw nitong mga nakaraang buwan.
Matatandaang ipinagutos ni PNP chief PDG Ronald bato delarosa na ang mga riding-in-tandem criminals ang focus o pagtutuunan ng pansin ngayon ng PNP lalot hindi na sila abala sa kampanya kontra droga.
Batay sa pagtala ng PNP may 152 motorcycle-riding related incidents na ang kanilang naitala mula oct 10 hanggang October 29.
Ayon sa Directorate for investigation and detective management, sa bilang na 152, 79 ay insidente ng pagpatay, habang 73 ang insidente ng pagnanakaw, na kinasangkutan ng 172 suspects.
Ayon pa kay Carlos, ang maagap na pagresponde ng PNP ang naging dahilan ng pagkakapatay sa 2 riding in tandem criminals at pagkakaaresto ng 15.
Habang kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt ang PNP laban sa natitirang 155 suspects na at large.