2 sa 3 indibidwal na nahagip sa CCTV footage humarap sa mga awtoridad; AFP nilinaw naman na wala sa CCTV footage si alias ‘Kamah’

Lumutang sa Joint Inter Agency Task Force sa Sulu ang dalawa sa tatlong indbidwal na nahagip sa CCTV footage noong mga oras na nagaganap ang pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Kinumpirma ito ni 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu Commander BGen. Rey Divino Pabayo.

Aniya, nais umanong linawin ng dalawang indibidwal ang kanilang pangalan na tinukoy na mga persons of interest dahil sa pagsabog.


Kinilala ang dalawang indibidwal na sina Alsimar Mohammad Albi, 24 anyos residente ng  Purok 6, Brgy. Bus-Bus, Jolo, Sulu at Julius Abdulzam Albi, 17, anyos residente ng Zone-3, Brgy. Takut-Takut, Jolo, Sulu.

Unang silang humingi ng tulong kay Bus-Bus Brgy Chairman Hadi Undog para linisin ang kanilang pangalan na umano ay kasama ng mga miyembro ng Ajang jang group at sa takot na tugisin ng mga awtoridad.

Sa panayam sa dalawa, sinabi ng mga ito na bumibili lamang sila ng gamot sa isang pharmacy sa lugar para sa ina ni Alsimar na naka-confined sa Sulu Hospital.

Pero bigla silang nakarinig ng malakas ng pagsabog mula sa simbahan kaya agad na lumabas ng pharmacy si Julius para tingnan ang pagsabog ngunit agad syang tinawag ni Alsimar na lumayo sa kinaroroonan nito matapos nitong makita ang mga suspek na nasa kanyang likuran lamang na papatakas  na sa lugar.

Nilinaw din ni Pabayo na wala sa tatlong indbidwal na lumabas na video si alias “kamah” ang kapatid ng napatay na lider ng bandidong Abu Sayyaf.

Facebook Comments