Mayorya ng mga Pilipino ay ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang lumabas sa nationwide survey na isinagawa ng OCTA Research Group.
Lumabas sa survey na tanging 19% lamang ang gustong tumanggap ng bakuna habang 46% ang tumangging magpabakuna.
Nasa 35% naman ang wala pang pasya.
Batay rin sa survey, 58% ang nagsabing wala silang tiwala sa bakuna mula sa China habang 13% lamang ang may tiwala.
Ayon kay Professor Ranjit Rye, magiging hamon sa pamahalaan ang paglulunsad ng vaccination program lalo na at Sinovac vaccines ng China ang unang darating sa bansa.
Hindi naman ikinababahala ni Health Secretary Francisco Duque III ang resulta ng survey at nangakong paiigtingin ang information campaign.
Isinagawa ang survey mula January 26 hanggang February 1 sa 1,200 Filipino respondents.