2-sa pitong suspek na nag-gang rape sa 18 taong buntis-sinampahan na ng kaso

33

General Santos City–pormal nang nasampahan ng kaso ang dalawa sa pitong suspek na nag-gamg rape sa 18 taong gulang na buntis sa barangay Fatima nitong lunsod..
Kasong rape ang isinampa ng Police Station 7 sa dalawang suspek na sina Julius Rivera, 21; at Bernardino Sinisal , 21, parehang residenti ng Zone 10-b, Brgy Fatima.
Inaresto ang mga suspek matapos silang isinuplong ng biktima na itatago lang sa pangalang alias Jenny residenti bg Gensan matapos syang ginahasa umano ng pitong lalaki kasama na ng dalawang suspek.
Napag-alaman na inimbita ang biktima ng isa sa mga suspek na si Alias Pogs na sinasabing txt-mate nito nuong nakaraang gabi dahil gusto nitong makipagkita sa kanya. Pero pagdating sa Zone 10-B, Barangay Fatima naroon na ang pitong lalaki kasama na ang kanyang Txtmate.
Pinilit umano itong uminum at nang malasing na doon na ito ginahasa ng mga suspek. matapos ng insidenti, agad na dumulog sa tanggapan na malapit sa lugar ang biktima para isuplong ang mga suspek.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na naging sanhi ng matagumpay na pagaresto sa dalawa pero hindi nadakip ang lima pang suspetsado dahil hindi na naabutan ng pulisya.
Sabillo, Rmn Gensan, Lore Mae Romualdo, Gensan City Police Office, Malungon MPS, Estacion 7,

Facebook Comments