4- arestado sa sunod sunod na anti-drug operation ng CDEU

35

General Santos City—arestado ang apat na suspek sa isinagawang anti-drug operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) dito sa lunsod.
unang naaresto ang tatlong suspek na sina Roger Bulanon, 38, Susan Delos Santos, 53 , parehong residenti ng Prk. Quilantang, Barangay Calumpang; at Ednie Teroso, residenti ng Prk. 2, Barangay Katangawan sa isinagawang Drug Buy-bust Operation sa bahay ni Bulanan matapos silang nabilhan ng (1) sachet ng pinaghihinalaang shabu gamit ang P500.00 na marked money.
Nakakuha din ang pulisya ng (8) pang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa posisyon ng mga suspek.
Naaresto din ng operatiba ng CDEU ang suspek na si Francisco Edward Corpuz, 57, residenti ng Prk. 7, Lanton, barangay Apopong, matapos nabilhan ng (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang operasyon sa bahay nito.
Kasong paglabag sa sec. 5 at sec. 11 ng Article 2 ng RA 9165 ang nakatakdang isampa laban sa apat na suspek.
Gensan City Police Office, Estacion 7, Malungon MPS

Facebook Comments