2 sa umuwing Pinoy repatriates mula Iraq, biktima ng human trafficking

98

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kapwa biktima ng human trafficking ang dalawang Pinay repatriates na dumating sa bansa kahapon mula sa Iraq.

Ayon sa DFA, humingi sa kanila ng saklolo ang Dalawang pinay na siyam na buwang nagtatrabaho  sa Iraq bilang mga waitress.


Sinagot ng pamahalaan ang pamasahe at exit visa ng dalawang OFWs.

Ang dalawang Pinay ay dinala na sa tanggapan ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Patuloy din ang pag-proseso ng DFA sa repatriation ng iba pang OFWs sa Iraq.

Facebook Comments