2 Sasakyan, Nayupi Matapos Maatrasan ng Truck na may Kargang Tubo!

100

Cauayan City, Isabela- Nayupi ang dalawang sasakyan habang nakaparada sa gilid ng kalsada matapos maatrasan ng isang 6×6 na truck na may kargang mga tubo o sugarcane sa kahabaan ng Brgy District 1, Benito Soliven, Isabela.

Dakong alas 6:30 ngayong umaga nang baybayin ni Leimar Barut, 25 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela ang lansangan lulan ang minamanehong truck na may plakang BCR 580.


Nang makarating sa paakyat na bahagi ng daan ay nakaranas umano ng mechanical problem ang drayber ng truck kaya’t hindi nito nakontrol ang sasakyan hanggang sa tuluyang umatras at bumangga sa nakaparadang Van na may plakang CTY 655 na pagmamay-ari ni Heherson Herrera ng Brgy Andabuen, Benito Soliven at sa L300 Van na may plakang AFC 970 na pagmamay-ari naman ni Ruben Juan, ng Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Boluntaryo namang sumuko sa kapulisan ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya maging ang mga nasangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments