Mga packages mula China, hindi apektado ng COVID-19 ayon sa DOH

98

Niilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kakalat ang Corona Virus Disease o COVID-19 sa mga package na nagmula sa China.

Sa health advisory ng DOH, sinabi ng ahensya na ang mga taong tumatanggap ng mga package, regalo at anuman na galing sa China ay hindi “at risk” o basta-basta mahahawaan ng COVID-19.


Paliwanag ng DOH, hindi nagtatagal ang buhay ng mga corona virus sa mga bagay o gamit, tulad ng packages base na din sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO).

Paalala ng DOH sa publiko, alamin muna kung alin sa mga kumakalat na impormasyon kaugnay sa COVID-19 ang totoo o fake news o haka-haka lamang.

Nabatid naman na ang DOH ay palagiang naglalabas ng mga abiso na makakatulong sa mga tao hinggil sa COVID-19.

Facebook Comments