2 senior citizen, nabiktima ng pananalisi sa Parañaque City

Parañaque City – Aabot sa P5,000 cash ang natangay ng dalawang lalaki matapos sa lisihan ang dalawang senior citizen mula sa kanilang pinatatakbong karinderya sa Parañaque City.

Ayon sa isa sa mga biktima na si Maria Gonzaga, abala siya noon sa karinderya sa nang may dalawang lalaki ang pumunta sa kainan at umorder ng paksiw na lechon.

Aniya, sinabi ng mga lalaki na gutom na gutom na sila at nagmula pa raw sila sa Cagayan.


Sabi ni Gonzaga, abala sila noon ng kanyang mister sa kusina nang pumasok sa loob ang isa sa mga lalaki at kinuha ang pera sa kanilang drawer.

Umalis ang mga lalaki na bitbit na ang pera sakay ng isang motorsiklo.

Sabi ni Arlene Angkay, desk officer ng Barangay Don Bosco, modus ng mga suspek na libangin muna ang kanilang bibiktimahin saka isasagawa ang krimen.

Nangako rin ang barangay na lagi nilang iikutan ang lugar para paalalahanan ang mga may-ari ng mga establisiyemento.

Facebook Comments