Preso, patay matapos magbigti sa loob ng kulungan sa Davao

Patay ang isang preso matapos magbigti sa loob ng kulungan sa Jasa-Jasa, Sasa, lungsod ng Davao.

Ayon kay Chief Inspector Ruben Libera, hepe ng Sasa Police Station, ang suspek na si Limar Cano, 20-anyos na binata, ang nakatoka na maglinis sa kanilang selda kaya pinalabas muna ang halos 20 ibang detainee.

Pero matapos aniya ang ilang minuto nang balikan ang kulungan ay nagtaka ito kung bakit tahimik, kaya tinawag nito si Cano ngunit walang sumagot.


Dito na pinasok ang selda at nakita sa banyo ang nakabiting si Cano.

Dahil may pulso pa, agad itong dinala sa Southern Philippines Medical Center pero idineklarang dead on arrival.

Nabatid na nahaharap ang suspek sa kasong panggagahasa at pagpatay sa isang anim na taong gulang na batang babae.

Facebook Comments