*Cauayan City, Isabela*- Pansamantalang nakapagpiyansa ang dalawang binatilyo matapos murahin at pagsasalitaan ang isang Kapitan ng Barangay ng Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Itinago sa pagkakakilanlan ang dalawang binatilyo na pawang mga residente ng Bayombong at Mountain Province at kapwa Senior High School Students.
Ayon kay PCpl. Giovani Diyam ng Bayombong Police Station, lumabas ang kapitan mula sa kanilang tahanan para tignan ang nangyayaring ingay ng basag ng bote dahil ditto sinita ng kapitan ang grupo ng dalawang binatilyo na nag iinuman sa lugar.
Nakilala naman ang kapitan na si Omerson Dacmay, 43 anyos at residente ng Barangay Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Lumabas pa sa imbestigasyon na pinagmumura at may pahabol pang dirty finger sa kapitan.
Sinampahan ng kasong resistance and disobedience to a person in authority ang dalawang binatilyo subalit nakapagpiyansa rin ang mga ito habang pinaghahanap pa rin ang kanilang mga kasamahan.