2 Shari’a Circuit Court judges, kinastigo ng Korte Suprema

Pinagmulta ng Supreme Court (SC) ang dalawang Shari’a Circuit Court judges dahil sa maling paghusga ng mga ito na naging dahilan para pagdudahan ang integridad ng 2014 Shari’a Bar Examinations noong January 19 at 26, 2014.

Sa resolusyon ng Korte Suprema, napatunayan na sina Judge Kaudri Jainul ng Shari’a Circuit Court, Isabela City, Basilan, at Judge Samanodden L. Ampaso ng Shari’aCircuit Court, Tamparal, Lanao Del Sur, translator ng 2014 Shari’a Bar, ay guilty sa Conduct Unbecoming of a Judge.

Bunga nito, pinagmulta sila ng Kataastaasang Hukuman ng tig-sampung libong piso.


Binalaan din ng Supreme Court ang dalawang huwes na sila ay papatawan ng mas mabigat na parusa kapag naulit pa ang nasabing paglabag.

Lumabas kasi sa pag-iimbestiga ng Office of Court Administrator na walang nangyaring leakage sa questions ng 2014 Shari’a Bar examinations.

Sa Shari’a Bar Examinations , ang examinee ay maaaring kumuha ng pagsusulit sa Arabic language dahil ilan sa kanila ay nag-aral sa Kuwait o di kaya ay sa Saudi Arabia kaya nagtalaga ng translator sa katauhan ni Judge Ampaso.

Facebook Comments