Cauayan City, Isabela- Naikategorya ng Department of Health (DOH) region 2 sa ‘low epidemic risk classification’ ang dalawang lungsod sa Cagayan Valley.
Kinabibilangan ito ng Santiago City at City of Ilagan.
Sa datos na inilabas ng DOH, sinabi ni Dr. Nica Taloma na mula sa ‘moderate’ risk classification ng Santiago City ay nasa ‘low’ na ito ngayon dahil bumaba na ang average daily attack rate.
Maliban dito, nailagay na rin sa low status ang risk classification ng City of Ilagan matapos bumaba ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Kasabay nito, nananatili naman sa moderate status ang mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino ka ilang ang Tuguegarao City at Cauayan City, mas mababa kumpara sa naunang klasipikasyon na ‘critical’ sa nakalipas na buwan.
Nananatili naman sa ‘minimal’ classification ang Batanes dahil wala na itong aktibong kaso ng COVID-19.