Gobyerno, planong gumawa ng infomercial na layong mahikayat ang publiko na magpabakuna

29

Plano ng pamahalaan na gumawa ng isa pang infomercial na hihikayat sa mga tao na magpabakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lumalabas sa mga pag-aaral na 30% lamang ang nais magpabakuna na aniya’y matinding hamon sa kanilang communication effort.


Kaugnay nito, hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumali sa gagawing infomercial para maging epektibo rin ito gaya ng “Mask, Hugas, Iwas”.

Umapela naman ang Pangulo sa mga nagdadalawang-isip na magpabakuna na, maniwala sa gobyerno at sa mga inihalal ng tao tulad niya.

“Maniwala kayo sa gobyerno. Maniwala kayo sa taong nilagay niyo sa opisina, gaya ko. Maniwala kayo, Diyos ko po, kasi hindi kayo makatulong. You will just lengthen the herd immunity,” apela ng Pangulo.

“Kung ayaw niyo magpabakuna, huwag na kayo lumabas ng bahay,” dagdag niya.



Facebook Comments