2 street level individuals, nahulian ng ₱40-K halaga ng shabu

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police Station, ang dalawang street level individuals na nahulian ng mahigit ₱40,000 na halaga ng shabu.

Ayon sa Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit, ang mga suspek na nahuli sa Saint Marylus St., Brgy. 127, Zone 13 Pasay City ay sina alyas “Ama”, 18 years old na subject ng buy-bust at Rodel Aquino, 56 years old.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang sachet ng shabu, isang ₱500 na ginamit bilang buy bust money, isang maroon coin purse na naglalaman ng anim na maliliit na pakete ng shabu na may bigat na 5.92 grams at may Standard Drug Price value na ₱40,256.


Iti-turn-over naman sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit ang mga kontrabando para sa chemical analysis.

Facebook Comments