2 sugatan matapos bumaligtad ang sinasakyang tricycle sa QC

Quezon City – Sugatan ang dalawang tao matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang tricycle sa Kamias Road, Quezon City.

Ayon sa isang saksi, mabilis ang pagliko ng tricycle dahilan para mabangga nito ang mga nakaparadang sasakyan bago bumaligtad.

Lumalabas sa imbestigasyon, colorum ang nasabing tricycle.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng traffic sector ng Quezon City.

Facebook Comments