2 SUGATAN SA BANGGAAN NG BUS AT KOTSE SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Dalawa ang sugatan matapos masangkot sa aksidente sa lansangan ang isang bus at kotse sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela kahapon, ika-30 ng Hunyo.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, parehong tinatahak ng Florida Bus na minamaneho ni Jomar Abonia at ng Toyota Vios na minamaneho naman ni Joone Ceasar Lacar ang parehong direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, bumagal umano ang takbo ng kotse at bigla na lamang pumihit pakaliwa dahilan para mabangga ang gilid ng noon ay paparating bus.


Watch more balita here: P280K HALAGA, INILAAN PARA SA STREETLIGHTS

Dahil sa lakas ng pagkakabangga nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan sina Lacar at ang lulan nito na kaagad namang dinala sa pagamutan, habang nagtamo rin ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala ang dalawang sasakyan.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan City PS ang tsuper ng bus para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments