2, sugatan sa sunog sa QC

Manila, Philippines – Dalawa ang sugatan sa nangyaring sunog sa residential area sa Saint Dominic 4, Barangay Culiat, Quezon City alas-12:57 kaninang madaling araw.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

Alas-1:31 ng umaga nang ideklarang fire under control na ang nasabing lugar.


Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan sa mga nasugatan na nagtamo ng minor burns.

Patuloy paring inaalam ang sanhi at halaga ng danyos na nasunog.

Facebook Comments