Lalaki – arestado sa pagbibitbit ng granada sa MRT Cubao Station

129

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng granada habang papasok sa MRT-3 Cubao station kagabi.

Papunta sa MRT Taft Station ang suspek na si Christian Guzman nang ma-detect ng x-ray machine ang pampasabog sa loob ng kanyang bag.

Nang sitahin ng security guard na si Anna Mae Borlaza, nagpaliwanag ang lalaki at sinabing dati raw siyang sundalo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang lalaki.

Samantala, isang pasahero naman ng LRT-2 sa Araneta-Cubao station ang naaresto matapos mahulihan ng marijuana.

Kinilala ang pasahero na si Francisco Ferrer, 47 anyos.

Ayon sa gwardya, dala ng suspek ang transparent ziplock pouch na may lamang 50 grams ng hinihinalang mga tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P6, 000.

Nakakulong na si Ferrer sa Quezon City Police Station 7.

Facebook Comments