Balik na sa normal ang sitwasyon sa Sitio Celtix Barangay Ned Lake, Sebu South Cotabato matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at miyembro umano ng New People’s Army o NPA noong linggo ng hapon.
Ayon kay 2nd Lt. Ranjan Palacio, spokesperson ng 27th IB Philippine Army dalawang kasamahan nila ang namatay at tatlo naman ang sugatan.
Kinilala ang mga sundalong binawian ng buhay na sina PFC Jovanie Tagactac may tama ng taga sa batok at PFC Max Jay Lord Fernando na tinamaan ng improvised 12 guage shotgun.
Habang pito naman ang namatay sa miyembro ng rebeldeng grupo na ang iilang bangkay ng mga ito ang narekober sa isinagawang clearing operation ng militar kahapon na kinilala na sina Datu Victor Danian na namumuno sa mga IP na naging supporter ng NPA, Umpang Danian, To Diamante, Tan Dania, Samer Angkoy, Mating Balabagan, Pato Silarbo, at ang mga sugatan ang kinilala naman na sina Jeffrey Danian at Ruben Laud.
Kinumpirma din ni 2nd Lt. Palacio na grupo ni Ka Yoyo Braganza mula sa Platoon Arabo sa ilalim ng guerrilla front 73 ng NPA ang nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng 27th IB Philippine Army at 33rd IB Philippine Army sa boundary ng Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato at Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Samantala, agad namang nagbigay ng tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng South Cotabato sa nasa 50 pamilya na lumikas dahil sa nangyaring engkwentro.
photo credit to:6ID Kampilantroopers
2 sundalo at 7 pinaniniwalaang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa boundary ng South Cotabato at Sultan Kudarat.
Facebook Comments