2 sundalo nagbabantay ng Quarantine Checkpoint patay sa pag-atake ng BIFF

Dalawang elemento ng 57th Infantry Batallion ang nasawi matapos atakehin ng pinaniniwalaang mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang checkpoint sa Datu Hoffer Ampatuan Maguinadano.
Sa impormasyon, nagbabantay sa checkpoint sa bahagi ng Barangay Talibadok ang mga sundalo ng paulanan ng bala ng mga armado gabi ng linggo.
Kinilala ang mga namatay na military na sina Private First Class Vicente Gata Jr. at Private First Class Jermie Ombiang.
Bukod sa mga nasawing sundalo, ilang myembro pa ng 57th IB ang naging sugatan.
Mariin namang kinondena ng pamunan ng 6th Infantry Division ang sinapit ng kanilang tropa kasabay ng kinakaharap na krisis.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments