Cotabato City nagmistulang Imbudo matapos bumulaga ang napakaraming sasakyan!

Nasa General Community Quarantine pa rin ang Cotabato City ! Ibig sabihin manatili pa rin sa mga tahanan!
Ito ang paalala ng Cotabato City Government matapos na muling binulaga ng napakaraming sasakyan ang syudad kahapon.
Magtatanghali kahapon ng magmistulang imbudo ang Sinsuat Avenue particular mula sa panulukan ng Governor Gutierrez patungo sa bahagi ng Sero. Bukod pa sa bumper to bumper ring traffic sa mga boundary checkpoint ng Sultan Kudarat-Cotabato –Datu Odin Sinsuat.
Sinasabing tanging Sinsuat Avenue pa rin ang main highway ngayon ng mga sasakyan sa syudad dahil patuloy paring nakasarado ang mga Baranggay Roads na pwede sana gamiting diversion.
Kaugany nito , iniimplementa na para sa mga Public Utility Vehicle ang Odd and Even Coding .
Napag-alaman naman na ilan sa mga naging rason ng lumabas kahapon at nagtungo sa syudad ay mga nagbayad ng kanilang billing sa kuryente , tubig, may transaction sa bangko at mga opisina sa panayam ng DXMY kay Public Sfatey Officer Rollen Balquin.
Patuloy namang nakaalerto ang mga frontliners na nagmamando sa checkpoint na kinabibilangan ng Marines, PNP, AFP at mga health workers.
Pic Kai Matalam
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments