2 suspected ISIS sympathizers, patay sa engkwentro sa Marawi

Lake Lanao – Patay ang dalawang miyembro ng Daesh-inspired Maute Group matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Lake Lanao.

Ayon kay Captain Joan Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, nagpapatrulya ang mga sundalo sa Lake Lanao nang mamataan ang dalawa na sakay ng bangka patungo sa main battle area sa Marawi City.

Aniya, habang papalapit ang mga sundalo sa bangka agad silang pinaputukan ng mga suspek dahilan para gumanti ang kanilang hanay.


Nakuha sa mga suspek ang dalawang rounds ng RPG, 55 mga bala ng 7.62 mm, rifle grenade at iba pa.

Batay pa sa intelligence report ng militar, naririnig pa sa war zone sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Facebook Comments