3 pulis na dawit sa pagkamatay ng Grade 11 na binatilyo sa Oplan Galugad sa Caloocan, sinibak

Caloocan City – Sinibak na sa pwesto ang tatlong pulis na dawit sa pagkamatay ng 17 anyos na binatilyo sa Oplan Galugad sa Caloocan City.

Ayon kay national Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, ipinalipat muna niya sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz maging ang kanilang station commander na si Chief Inspector Amor Cerillo sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU).

Batay sa spot report ng pulisya, bumunot at nagpaputok umano ng baril si Kian Delos Santos kaya ito pinaputukan ni Oares.


Taliwas naman ito sa kuha ng CCTV mula sa barangay na nagpapakita sa lalaking hinihila ng dalawang pulis.

Balak ng pamilya na dumulog sa National Bureau of Investigation para magsagawa ng parallel investigation sa pagkamatay ni Kian.

Facebook Comments