2 suspected NPA arestado, 20 M16 armalite nakumpiska

Dalawampung piraso ng M16 armalite rifle ang narecover sa isinagawang joint patrol operation ng pinagsanib na pwersa ng 39th IB at Kidapawan PNP sa Brgy. Katipunan, Kidapawan City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Naaresto rin ang 2 pinaghihinalaang NPA na sina Wowia Boton at George Cuyo sa panayam kay 1002nd Brigade Commander Roberto Ancan sa panayam ng DXMY ngayong umaga.

Sinasabing nailagay sa loob ng dalawang drum ang mga narecover na mga baril.


Kasalukuyang nasa pangangalaga ng military ang dalawang nahuli habang nagpapatuloy ang interogasyon. (DENNIS ARCON)

KIDAPAWAN PNP Pic

Facebook Comments