Dalawang pulis, inireklamo ng panunutok ng baril sa Maynila

Sa Maynila, inireklamo ng 71-anyos na lalaki ang dalawang pulis na nantok ng baril matapos siyang mapagkamalang magnanakaw.

Ayon sa biktimang si Espiridion Nite, papasok siya noon sa trabaho nang tutukan ng baril ng mga pulis.

Aniya, hindi siya pinaniwalaan ng mga pulis kahit na ano ang kaniyang naging paliwanag.


Nais naman aniya niyang makaharap ang mga pulis at dedepende aniya kung itutuloy niya ang reklamo sa kanilang magiging usapan.

Paliwanag naman ni barbosa Police Community Precinct Commander Chief Inspector Alden Lee Panganiban, hinahabol ng mga pulis ang magnanakaw na si Johani Maruhom nang mapagkamalang ang biktimang si Espiridion Nite na papasok noon sa trabaho.
Gayunman, tiniyak ni Panganiban na iimbestigahan nila ang nangyari at kung napatunayang lumabag ang mga nasabing pulis ay hindi nila ito kukunsintihin.

Facebook Comments