Monday, April 13, 2026

2 suspek, arestado sa mahigit P900-K halaga ng ilegal na droga sa Novaliches, Quezon City

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa magkahiwalay na operasyon kaugnay ng mahigit P900,000 halaga ng ilegal na droga sa Novaliches, Quezon City noong April 11.

Sa isinagawang buy-bust operation ng Novaliches Police Station 4 sa Barangay Nagkaisang Nayon, nahuli si alyas “Boss,” 24-anyos, matapos makabili ang poseur-buyer ng ilegal na droga sa halagang P1,000.

Nakumpiska sa kanya ang dried marijuana na nagkakahalaga ng P744,300 at liquid marijuana na tinatayang P153,800, bukod pa sa backpack, packaging materials, at isang iPhone 13.

Sa hiwalay na operasyon, naaresto rin si alyas “Danilo,” 38-anyos, sa checkpoint sa Susano Road, Barangay San Agustin, matapos makitaan ng sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,712.

May nauna na rin umanong kaso si “Danilo” sa paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Their Children Act of 2004 noong October 2021.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at isasailalim sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments