2 Suspek na Gumahasa at Pumatay sa Dalagita sa San Mateo, Isabela, Inisyuhan na ng Subpoena

36

Cauayan City, Isabela- Nabigyan na ng subpoena ang dalawang suspek na gumahasa at pumatay kamakailan sa isang dalagita sa Brgy. Bella Luz, San Mateo, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLt. Jayson Tappa, Deputy ng PNP San Mateo, hinihintay na lamang nila ang sagot o kontra salaysay ng dalawang itinuturong suspek na mismong kamag-anak rin ng Grade 8 student na biktima kaugnay sa kanilang kinasasangkutang krimen.


Una nang nasampahan ng kasong rape at parricide ang dalawang suspek na mga residente rin ng barangay Bella Luz.

Ayon pa kay PLt. Tappa, sakaling hindi magbigay ng tugon sa loob ng itinakdang araw at hindi humarap sa korte ang dalawang suspek ay sisilbihan na ang mga ito ng warrant of arrest.

Matatandaan na noong November 2, 2020 ng hapon nang matagpuan ang wala ng buhay at walang saplot na katawan ni Princess na itinapon sa irigasyon sa bahagi ng palayan kung saan nasa 300 metro lamang ang layo mula sa bahay ng biktima.

Batay sa resulta ng autopsy sa bangkay ng biktima, nakitaan ito ng sugat sa kanyang pribadong parte ng katawan at mayroon din tama sa ulo na nakikitang sanhi ng kanyang pagkamatay.




Facebook Comments