7 Sundalo, Patay sa Pagbagsak ng Sinakyang Helicopter sa Bukidnon

134

Patay ang pitong sundalo matapos mag-crash ang sinakyan nilang Helicopter sa Sitio Naigit, Brgy. Bulonay, Impasug-ong, Bukidnon.

Hindi nakaligtas sa trahedya ang mga biktima na nakilalang sina Lt. Col. Arnie Arroyo, pilot-in-command; 2Lt. Mark Anthony Caabay, co-pilot; Air Force SSgt. Mervin Bersabi, gunner; A1C Stephen Argarrado; Army Sgt. Julius Salvador, CAA Jerry Ayukdo; habang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang pasahero.


Batay sa imbestigasyon, pasado alas 2:00 ng hapon, Enero 16, 2021 nang maganap ang insidente kung saan ay maghahatid sana ng military supply ang mga biktima.

Nakaranas umano ng mechanical problem ang UH-1H No. 517 chopper na dahilan ng pagbulusok at pagbagsak nito sa nasabing lugar.

Facebook Comments