2 Suspek na Nang-araro sa 7 katao na Ikinasawi ng Isang Indibidwal, Sasampahan na ng Patung-patong na kaso!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang isampa ngayong araw, Agosto 25, 2018 ng PNP Cauayan City ang patung-patong na kaso gaya ng kasong Murder, Frustrated Murder at Damage to Properties laban kina Aaron Christian Reyes at Hugiebert Moico na pawang mga residente ng Aurora, Isabela na nang-araro sa pitong indibidwal na ikinasawi ng isang lalaki.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relations Officer ng PNP Cauayan City matapos sagasaan ang pitong kabataan kahapon ng madaling araw sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Una rito ay nagkaroon muna umanpo ng alitan ang dalawang grupo sa isang lugawan at nang umiwas ang mga biktima ay sinundan parin umano sila ng dalawang suspek at tinumbok at inararo na lamang ang mga sinusundang motorsiklo ng mga biktima.


Nagresulta ito sa pagkamatay ng isang biktima na si Jake Anthony Macadangdang habang kritikal naman ang anim nitong mga kasama na nasa isang pagamutan matapos silang araruhin ng sasakyan ng dalawang suspek.

Facebook Comments