2 suspek sa illegal na droga nahuli ng PDEA sa Brgy. Washington, Surigao City

2 suspek sa illegal na droga nahuli ng PDEA sa Brgy. Washington, Surigao City. Kinilala ang mga nahuli na sina Rex Trigo, 37 taong gulang at Mark Anthony Zape, 36 taong gulang, parehong naninirahan sa Purok Kalipayan, Brgy. Washington, Surigao City. Maliban sa dalawa, may isang bisita na nakilala lamang sa alias Waray ang nakatakas. Tinukoy ni Dindo Abelanoza, ang spokesman ng PDEA 13 na ang suspek na si Trigo ang namamahala ng pinaghihinalaang drug den samantalang si Zape ang target sa buybust operation na naging bisita sa loob ng drug den noong mga oras na iyon. Nakuha mula sa mga suspek ang 4 na sachet sa pinaghihinalaang shabu, marked money at iilang drug paraphernalias. Ang mga ito ang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Facebook Comments