Manila, Philippines – Patay ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Basra, Quezon City.
Ayon kay Sr. Supt. Enrico Vargas, Chief District Directorial Staff ng QCPD, may natanggap silang report hinggil sa pagbebenta ng mga nakaw na motorsiklo ng mga suspek na nakilala lang na sina alyas Ian at Jessie kaya tatlong araw nila itong minanmanan.
Aniya, nang magpositibo at kumasa na may bibili ng mga nakaw na motor na nagkakahalaga ng p15,000 doon na nila pinasok ang safehouse ng mga suspek.
Sabi ni Vargas, nang akmang aarestuhin na ang mga suspek bigla silang bumunot ng baril at nagpaputok kaya napilitan ang mga pulis na gumanti na nagresulta sa pagkapamatay ng mga suspek.
Nakuha mula sa mga suspek ang ilang baril, perang ginamit sa buy bust at tatlong motorsiklo.