2 Suspek sa Pamamaril sa 4 na Katao sa Isang Videoke Bar sa Cagayan, Sumuko sa PNP!

*CAGAYAN- *Nahuli na ang dalawang suspek sa naganap na shooting incident  sa isang bar kamakailan sa brgy Magapit, Lal-lo, Cagayan matapos kusang sumuko sa pamunuan ng PNP Gattaran, Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PSSupt Warren Tolito, Provincial Director ng PNP Cagayan, kinilala ang dalawang sumukong suspek na sina Arnold Daquioag Tamayo, 35 anyos at Noli Magmanlac Ladia, 23 anyos, may-asawa at parehong residente ng brgy Baraoidan, Gattaran, Cagayan.

Ayon kay PSSupt Tolito, Nais lamang umanong linisin ng dalawang suspek ang kanilang kumakalat na pangalan sa social media na pinaghahanap ng mga otoridad matapos ang pamamaril sa mag-asawa at mag live in partner sa nasabing videoke bar.


Bagamat itinatanggi ng mga ito na hindi sila ang bumaril sa apat na biktima ay nakumpirma naman ng mga nakakita sa krimen na sila ang suspek at pumatay sa mga biktima.

Nakakulong na ang dalawang suspek na mahaharap sa kanilang kaukulang kaso.

Matatandaan na noong Nov. 12, 2018 ay pinagbabaril ng mga suspek ang mag-asawa na sina Princess Angelica Escalante Javier at Eugene Javier at ang mag-live in partner na sina Ramsey Javier at Michaela Javier nang magkaroon ng alitan dahil sa pagtanggi ng kanilang waitress na ipasok ito ng mga suspek sa isang hotel.

Facebook Comments