2 takas sa kulungan sa Italy na nangakong babalik din, naaresto na

161
iStock photo

Nadakip na ang dalawang pugante na nag-iwan ng sulat na nangangakong babalik sa kulungan matapos tumakas ngayong buwan, ayon sa Italian justice ministry nitong Miyerkules.

Matatandaang nakalabas sa Rebibbia prison ang magpinsan na sina Davad Zukanovic, 40, at Lil Ahmetovic, 46, noong Hunyo 2, sa tulong ng water hose na ginamit nila sa pag-akyat sa pader.


Nag-iwan ang dalawa ng sulat kung saan idinahilan nila na mayroon silang personal na bagay na kailangan asikasuhin, ayon sa ulat ng La Repubblica Daily.

Kailangan umano nilang umalis upang protektahan ang kanilang mga anak sa problemang kinasangkutan nila at sila lang daw ang maaaring mag-asikaso nito dahil nasa kulungan din ang kanilang mga misis.

Sa dulo ng sulat, nangako si Zukanovic at Ahmetovic na babalik din matapos maayos ang gusot sa loob ng 15 araw.

Hanggang 2029 ang sintensya sa magpinsan na nakulong sa kasong may kinalaman sa panloloko at pagtanggap ng mga nakaw na gamit.




Facebook Comments